90s KID KA BA TULAD KO?

There are tons of things I miss from the 90s. Well mostly from MY 90s. Let me count them. I’ll be writing in Taglish this time just because it feels right.Haha.

1.  Alam mo yung Nintendo? Buti ka pa, ako hindi ko alam pero meron kaming family computer. Yung puting machine na may mga slots kung saan isasaksak mo yung tape na may mga games tapos ikoconnect mo sa tv niyo with matching joysticks. Parang event sa bahay pag naglalaro kami,wahahaha. Favorite game: Super Mario ad KingKong.

Image

2. You know who the Spice Girls are. Period. Ang walang kamatayang Backstreet Boys versus N’Sync. Once you’ve chosen your side, you are on that side. I love N’Sync songs but I have to confess loyalista talaga ako ng BSB. Can’t help it, sasabay at sasabay ka sa automatic karaoke kahit saan pa man tumugtog. Kahit adlibs ng song alam mo. I also want to talk about N’Sync but I can’t say much since hindi ko sila hinimay himay and of course, the ultimate stamp is Justin Timberlake and who knew that years later Lance would…come out! Kung BSB fan ka, well you know Nick is the youngest, the blond boy (some people would call him the tamer redneck version if only without his brother Aaron who had gone to the wild side) from Florida, AJ is the hot meth-addict looking husky voice man, Brian is the sweet voice-sometimes-you-don’t-really-look-at-his-face type, Kevin is the mute in the group but looks extremely hot and Howie…well Howie is the latino and…how come nobody wants him as their favorite?

Image

3. Letters. One of the things I miss the most. Galing man ito sa post office o bigay ni friend na pabigay ng kanyang friend. There is just something so sweet and and personal from a handwritten letter. I still have my two boxes of letters from my friends and relatives and I cherish them. It beats all the computer graphics and video messages in the world. Isama ko na rin ang mga pictures na ipinapadevelop pa talaga using a film. Today, everybody owns a digicam or a camphone but before, taking a picture was also an event. Napaka momentous kapag kelangan magpapicture, may okasyon man o wala. And the thrill tuwing magaannounce sa bahay ng ”andito na ang pictures!” Ngayon,in few seconds you have the pictures (not that I’m complaining) but I miss the excitement.

Image

4. MTV ASIA. Come on, admit it, you miss the old MTV where there are no Jersey Shores yet and all these seemingly-pointless-reality shows and it was just pure music. I miss the former VJs Nadja, Jamie, Utt, Mike (though I don’t really like him) and of course the best of them all, Donita. Don’t you miss MTV Wanted? All requests are really made creatively and SNAIL MAILED!

Image

5. Bazooka. Alam mo to! Yung pink bubble gum with vertical lines na parang eraser tapos may comics sa loob ng wrapper. May collection ako nito noon kahit di ko naiintindihan mga pinagsasabi nila. Nawala na rin lahat yun ngayon.

Image

6. Yung parang disco shoes mo. Hahaha. Umiilaw pag tinatapakan. Ang saya! How cool! Japorms ka! Sumasayaw pa nga kung minsan yung ilaw, astig ka kapag eto sapatos mo. Pero wala ako nito…bakit nga ba? Hahaha.

Image

7. Kapag Sabado o Linggo, pinapatulog kami tuwing hapon kahit ayoko. Para daw tumangkad kami, mukhang umepekto ng konti sa amin, konti lang. Ang mga bata ngayon hindi na. At ngayon naman, gusto kong matulog tuwing hapon.

8.Clips ba yun? Basta palamuti sa ulo na pinauso ni Jolina…hahaha…wala din ako nito.Pero madami akong classmate na laging nagsusuot nun.

Image

9. Alam mo yung kisses? Hindi yung chocolate ha! Yung kisses na malambot, colorful tsaka mabango. Guilty ako dito. Nilalagay sa mga bag o pencil case o sa loob ng ballpen para bumango. Tapos nanganganak din daw ito kaya tinutusuktusok. Ngayon ko lang naisip, buhay ba yun?

10. Ah eto favorite ko, Maggi noodles. Hindi yung noodles mismo kundi yung nasa loob nya. Mga Disney stickers. YEY! Collection ko din ito. Meron pa nga kaming sticker book kung saan dinidikit lahat ng stickers. Pero may iba akong tripping sa mga sticker na ito, dinidikit ko sa salamin sa kwarto (interior design) tapos yung iba sa dingding talaga nakadikit, kunyari painting.

Image

11. Stationaries. Kasabay pala dapat to ng mga letters. Pero ang mga stationaries pwedeng hindi mo gamitin, koleksyon na rin (madami pala akong koleksyon noon). Mabango ito, maganda ang design….papemelroti o di kaya yung mga Japanese stationaries. Tapos pwede kang makipag exchange sa kaibigan mo or pwde ring ibenta.

Image

12. Brick Game. Feeling mayaman ako noon dahil dito.hahahaha…tetris lang naman ang paborito. Meron pang isa yung parang may binabaril ka, di ko na masyadong matandaan.

Image

13. Alam mo ang 10-20, chinese garter, jackstone, taguan, dr. quack quack, patintero (tawag namin dito Ends), langit lupa, pepsi seven up, etc. Magandang work out ito, sangkatutak na pawis at putik ang aanihin mo. Kaya siguro payat ako noon.

14. Yung pencil case na double sided. NAKS! May magnet pa yung lock. Hanep!

Image

15. Di ka naman talagang baduy kung aritsta yung cover ng notebook mo. Guilty ako dito. May Patrick Garcia ata ako na notebook noon.haha

16. May baunan ka pa-school kahit di mo naman talaga kinakain yung bitbit mo.

Image

17. Tamagochi. Talo Farmville nyo at kung ano pang ville dyan. Pero wala din ako nito, nakiki uzzi lang ako sa classmate kong meron.

Image

18. I swear…by the moon and the stars in the sky, I’ll be there..Enough said.

19. Alam mo ang steps ng Macarena.

20. Alam mo mga pinoy rockbands, Parokya ni Edgar, Eraserheads, Rivermaya, etc. Galing ng pinoy!

Image

21. Expert ka sa rewind and fast forward ng cassette tape gamit ang ballpen o kamay mo. At halos mabaliw ka kapag tangled ang tape sa loob o di kaya’y putol…pwedeng iscotch tape!

Image

22. Memorize mo ang lyrics,with actions, ang Tell the World of His Love and Jubilee Song.

Image

23. Buong Sabado kang nanonood ng Power Rangers, Teenage Mutant Ninja Turtles, etc. At alam mo at ng mga kaibigan mo kung anong kulay ng ranger mo at kung sino ang kano, ang african-american at ang asian. Favorite ko dito si Trinity at Billy. Alam mo din ang Ghost Fighter at Dragon Ball Z pero di ko pinapanood ang mga anime na yun. Mas favorite ko ang Akazukin Cha cha, Magic Night RayEarth tsaka Zenki. Memorize ko pa nga noon yung spell na ginagawa ni Cherry (with matching actions) kung kinakelangan ng magtransform ni Zenki. Meron din akong role sa Magic Night Ray Earth, ako yung nakared, friend kong si Apple (90s friend din ito) na nakablue at yung kapatid kong salimpusa sa amin ay green. Kasama na rin sa TV experience ang Bayani, Sineskwela at Hiraya Manawari. Tsaka ang Cedi, Sarah ang Munting Prinsesa. Aminin mo pinanood mo yung movie ni Camille Pratts. WAAAAA! Isama na rin natin ang Batibot, ATBP, Batang X. Eto matindi…MARIMAR! AWWW! Thalia version ha! Pati Oki Doki Doc, Ober da Bakod, Home Along Da Riles, Mara Clara, Esperaza, Villa Quintana….cge na pati GIMIK. Ang love team mo sasakop kay Juday-Wowie/Rico (RIP), Jolina-Marvin…sheeet na malagkit! 

Image

24. Sigurado alam mo yung Jollibee jingle  “I love you Sabado kahit buong Linggo.” Event din tuwing pupunta ng Jollibee.

25. Kumalat ang balita na gugunaw na ang mundo sa Year 2000. Wow! Survivors tayo!

26. Meron kayong VHS hindi DVD. VHS na may kasama pang cleaner. Yung VHS cleaner namin nasa hugis kotse. Tapos tutunog ng malakas tuwing maglilinis.

Image

27. Crush mo si Leonardo di Caprio noon dahil sa Titanic. Aminin! Di ka lang pwedeng manood ng kissing scene nila kasi nga bata ka pa. Nagtatakip pa ng mata…kunyari.

Image

28. May Macarena pa, hindi yung sayaw kundi yung parang shorts na parang palda, parang suot yata ng mga Tennis players.Skirt in the front, shorts in the back. Nung grade five ako eto yung suot ko sa recognition. Pinagpilitan ko ito sa mama ko dati dahil ayoko ng magsuot ng bestida tuwing recognition. Tapos ipartner pa sa t-shirt na zipper ang collar with matching rubber shoes! Japorms!

Image

29. Meron pa pala, yung colored na bilog bilog na parang clip tapos kapag naka braid na maliit na yung buhok mo (kahit hindi), didikit mo ito. Pauso din ata ni Jolina ito. 

30. Uso yung binibiling autograph…kung may pera ka. Kung wala, andyan pa rin ang mga lumang notebook na pwedeng tahiin at gawing slumbook. Pa sign ka na!

Image

I think there’s more. For now, this is all I can think of. Let’s add more in the future kung may maalala pa ako. ^__^

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: